Mas maraming pulis ang ipapakalat sa mga vaccination sites sa National Capital Region (NCR) oras na ipatupad na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, bukod sa vaccination sites, daragdagan din ang mga pulis sa mga palengke, supermarket at ayuda centers.
Sa harap naman ng mas pinahigpit na border controls sa National Capital Region (NCR), nilinaw ng kalihim na tanging mga cargo vessel at Authorized Person Outside of Residence (APOR) lamang ang papayagang makapasok sa borders.
Nakalatag na rin ang mga checkpoint para sa mga cargo vessel na magdadala ng essential goods sa Metro Manila.
Habang ang mga APOR ay kinakailangang magpakita ng identification cards, kabilang ang Inter-Agency Task Force (IATF) ID na ini-isyu ng regulatory agencies at valid ID mula sa mga establisyimentong pinapayagang mag-operate sa ilalim ng ECQ.