Karagdagang relief aid para sa mga apektado ng Bagyong Bising at Habagat, ipinadala ng DSWD

Natanggap na ng mga pamilya at indibidwal sa Northern at Central Luzon na naapektuhan ng Bagyong Bising at Habagat ang relief aid mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao, nasa P719,187 na halaga ng relief assistance ang ipinadala ng ahensiya sa mga apektadong residente.

Kasama sa mga ipinamahagi ang 1,068 family food packs (FFPs) at emergency kits.

Tiniyak ni Dumlao na tuloy-tuloy ang pamamahagi nila nang tulong sa mga apektado ng sama ng panahon.

Base sa pinakahuling datos mula sa Disaster Response Operations Management, Information, and Communication (DROMIC) na nasa kabuuang 30,683 families o 95,910 na katao sa 61 barangay sa Regions 1 (Ilocos Region), 3 (Central Luzon), at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng bagyo at habagat.

Facebook Comments