Karagdagang relief goods, ipadadala ng DSWD sa mga lokal na pamahalaan na sinalanta ng Super Typhoon Carina at habagat

Magpapadala pa ng karagdagang family food packs (FFPs) ang Department of Social Welfare and Development para sa mga local government units (LGUs) na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Carina at habagat.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, mayroon nang 360,228 FFPs ang naipamahagi sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang National Capital Region (NCR), Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region.

Nakaantabay na rin ang karagdagang 500,000 FFPs para sa mga LGU na mangangailangan.


Tiniyak din ng DSWD ang patuloy na koordinasyon sa mga local executive upang matiyak na maibibigay ang mga pangangailangan ng mga apektadong pamilya, lalo na ang mga nasa evacuation centers.

Samantala, patuloy rin ang pagbibigay ng DSWD ng suporta sa mga lugar sa Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha dulot ng bagyo at Habagat.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 100,000 pamilya o halos 400,000 indibidwal ang apektado ng sama ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Facebook Comments