KARAGDAGANG RURAL HEALTH UNIT SA BAYAN NG LINGAYEN, PINASINAYAAN

Isinagawa ang paglulunsad sa bagong karagdagang Rural Health Unit para sa mga residente ng Southern Barangays ng Lingayen.

Ang nasabing RHU ay ang ikatlong center o pagamutan sa bayan na matatagpuan sa bahagi ng Southern Lingayen sa Barangay Dulag na may layuning makapagbigay ng mas mabuti at mas mabilis na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng southern barangays.

Ani ng alkalde ng bayan, matagal na umano itong hiling ng mga residente na magkaroon ng mas malapit na pagamutan dahil para hindi na sila mapalayo at agad na mabigyan ng paunang lunas sakaling magkaroon ng emergency sa kanilang mga lugar.


Dagdag pa niya, ipinatayo ang gusaling ito upang masigurong lahat ng Lingayenense ay mabibigyan ng sapat na tulong pangkalusugan at upang maging protektado sa mga peligro sa kalusugan.

Pinangunahan ang paglulunsad sa naturang bagong pagamutan na ito ng ilang kinatawan ng Department of Health Regional Office I katuwang ang LGU Lingayen at ilang matataas na para pormal na buksan ang naturang RHU.

Facebook Comments