MINDANAO – Dumating na sa Mindanao ang karagdagang Scout Ranger bilang re-enforcement sa nagaganap na engkwentro doon.Ayon kay Western Command Mindanao Spokesperson Major Filemon Tan, tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang operasyon laban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Tipo-Tipo, Basilan.Aniya – hindi sila titigil hanggat hindi nabibigyan ng hustisya ang mga nasawing sundalo kung saan tatlo sa kanilang mga kasamahan ang pinugutan ng ulo.Matatandaang labing walong sundalo ang nasawi sa sampung oras na engkwentro noong Sabado, Abril 9.Giit pa nit Tan – malapit na nilang matunton ang kuta ng mga tinutugis nilang ASG.Tinatayang nasa 120 bandido na pinaniniwalaang miyembro ng Abu Sayyaf ang nakasagupa ng 44th IB Sabado ng umaga.Alas-7 na ng umaga nang ubusin ang isang platoon at opisyal nito, habang tumagal naman ang bakbakan hanggang alas-5 ng hapon.Samantala … matapos ang operasyon – magsasagawa naman ng imbestigasyon ang AFP kung may nangyaring kapabayaan na nagresulta sa pagkasawi ng 18 mga sundalo.
Karagdagang Scout Ranger – Dumating Na Sa Mindanao
Facebook Comments