Nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na linggo ang mas maraming suplay ng Sinovac vaccine.
Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center chief Myrna Cabotaje, inaasahang magtutuloy-tuloy muli ang pagbabakuna sa NCR Plus 8 areas oras na dumating ang karagdagang doses ng Sinovac vaccine sa July 14.
Bukod dito, isinama na rin ng gobyerno sa listahan ng priority areas na dadalhan ng bakuna ang Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro, Baguio, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga at Legazpi.
Noong Biyernes, July 9, mahigit dalawang milyong doses ng AstraZeneca ang dumating sa bansa.
Sinundan ito ng pagdating ng kabuuang 170,000 ng Sputnic V vaccines mula sa Gamaleya Research Institute ng Russia at sa COVAX Facility.
Aabot na sa 12,703,081 doses ng iba’t ibang brand ng anti-COVID vaccines ang naiturok sa bansa.
Pero 4.5% o 3.2 million pa lamang ng target na 70 million population ng bansa ang fully vaccinated.