Planong magtayo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 ng isang Regional Stock Center sa bayan ng San Nicolas.
Naghahanap ngayon ang tanggapan ng lugar sa bayan kung saan maaaring itayo ng naturang center.
Inirekomenda naman ng alkalde ng bayan ang Regional Evacuation Center sa Sta. Maria West bilang posibleng pagtayuan nito.
Sasailalim pa sa iinspeksyon kung magiging angkop na lugar ito para sa nasabing layunin. Maaaring magamit ang Regional Stock Center sa pag-iimbak ng food packs, hygiene, sleeping, cooking kits, at iba pang kagamitan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments






