Manila, Philippines – Nagpadala na nang karagdagang tauhan ang Armed Forces of the Philippines sa lalawigan Bohol dahil sa nagpapatuloy na sagupaan doon sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at hindi matukoy na armadong grupo.
Sa statement na inilabas ni AFP Chief of staff general Eduardo Año, ilang miyembro ng tropa mula sa Philippine Navy Army at Airforce ang agad nyang pinadala sa sitio Ilaya Brgy. Napo, Inabanga, Bohol.
Ito ay para magbigay ayuda sa mga sundalo at pulis na nakakasagupa ngayon ang mga armadong grupo.
Sa ulat, alas 7 ng umaga kanina nang maka-engkwentro ng tropa ng 47th Infantry Battalion ng Philippine Army, mga tauhan ng Bohol Provincial Police Office(BPPO), at Regional Public Safety Battalion (RPSB) ang isang armadong grupo.
Bago ito ay nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad mula sa mga residente ng Sitio Ilaya sa presensya ng sampung armadong kalalakihan sa riverside ng nasabing lugar.
Dahil dito, agad na rumesponde ng militar at pulis at dito na nagsimula ang sagupaan.
Sa ngayon sa huling ulat ng military, nagkukubli sa isang lugar sa Sitio Ilaya ang armadong grupo.
Nation”, Rea Mamogay