Mapapadala si Pangulong Rodrido Duterte ng karagdagang sundalo sa Mindanao kasunod ng twin bombing sa Jolo, Sulu.
Ayon sa Pangulo, dahil sa insidente napapanahon lamang para maglunsad ng mas marahas na aksyon ang gobyerno laban sa may kagagawan ng pagsabog sa Sulu.
Aniya, nais niyang salakayin ng mga sundalo ang mga kuta ng Abu Sayyaf Group (ASG), Ajang-Ajang, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at New Peoples Army (NPA).
Una nang naglunsad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng mga operasyon sa ilang lugar sa Mindanao kasunod ng all out war order ng Pangulo.
Facebook Comments