Karagdagang suplay ng tubig, ipinadala ng DPWH sa Cebu

Bilang tugon sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na tulungan ang mga naapektuham ng lindol sa Cebu, nagpadala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng karagdagang suplay ng tubig.

Aabot sa apat na water trucks ang ipinadala agad ng DPWH para maka-supply ng tubig sa mga nasalanta ng lindol sa Bogo City.

Ayon kay Secretary Vince Dizon, iniutos ng pangulo ang pagpapadala ng karagdagang water trucks matapos makatanggap ng ulat na nagkakaroon ng kakulangan ng suplay ng tubig.

May lamang 40 tons ng tubig ang water trucks ng DPWH at magbibigay ng araw-araw na suplay sa 200 pamilya sa Barangay Cogon at Barangay Taytayan.

Bukod sa DPWH, ilang local government units (LGUs) na rin ang nagpapdala ng suplay ng tubig bukod pa sa relief goods kung saan patuloy naman ang pag-monitor ng iba pang ahensiya ng pamahalaan sa sitwasyon ng mga naapektuhan ng lindol.

Facebook Comments