KARAGDAGANG TRAFFIC SIGNAGES SA NUEVA VIZCAYA, ISUSULONG

Cauayan City – Isusulong ng mga ahensiya ng pamahalaang nasyonal, mga contractor ng proyekto, at mga lokal na pamahalaan sa Nueva Vizcaya ang paglalagay ng karagdagang traffic signages bilang tugon sa problema sa trapiko sa Maharlika Highway mula Diadi hanggang Sta. Fe.

Layunin ng mga hakbang na ito na magbigay ng gabay sa mga manlalakbay at masiguro ang maayos na pagsunod sa mga batas trapiko na mahigpit na ipatutupad ng mga awtoridad.

Kasama sa plano ang paglalagay ng mga directional signages sa mga alternatibong ruta upang maging mas madali para sa mga motorista na umiwas sa mga lugar na may road construction.


Pinagtuunan ng pansin sa pagpupulong ang seguridad ng mga motorista at pedestrian, kaya’t inaasahang magiging kapaki-pakinabang ang mga signages bilang bahagi ng pangmatagalang solusyon.

Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng road construction projects, positibo ang pananaw ng mga opisyal na makakabawas ang mga bagong sistema ng signage sa problema ng trapiko.

Hinihikayat din nila ang publiko na maging mapagpasensya at sumunod sa mga alituntunin upang masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments