KARAGDAGANG TULONG PANGKABUHAYAN SA MGA PINAKAAPEKTADONG MANGINGISDA SA PUGARO, DAGUPAN CITY, TINIYAK

Patuloy na isinusulong sa Dagupan City ang agarang pagbibigay ng tulong-pangkabuhayan para sa mga mangingisda sa Brgy. Pugaro, na kabilang sa mga pinakamalalang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Garantiya ng lokal na pamahalaan na mabilis na ihahatid ang suporta sa bawat pamilyang umaasa sa pangingisda bilang kabuhayan.

Katuwang sa pagpapatupad nito ang City Agriculture Office at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) upang matukoy ang bawat pangangailangan ng mga biktima at makapagbigay ng kaukulang tugon.

Layunin ng programa na maibalik ang kabuhayan ng mga mangingisda at masuportahan ang kanilang pagbangon mula sa pinsalang idinulot ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments