Makakatanggap ng karagdagang social pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga mahihirap na senior citizens sa bansa.
Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, magsisimula ito sa unang kwarter ng 2022 at magaganap tuwing ikatlong buwan.
Sa kasalukuyan, nasa P500 ang natatanggap ng mga matatanda tuwing kada anim na buwan.
Ang pamamahagi ng tulong-pinansiyal ay alinsunod sa resolusyong inilabas ng House Committee on Senior Citizens kung saan pinaikli ang ibibigay na tulong na aabot na sa P3,000 kada semestre.
Facebook Comments