KARAGDAGANG TULONG SA MGA PAMILYANG NASIRAAN NG TAHANAN SA MGA BAGYO, IPINAABOT SA LA UNION

Nagpaabot ng karagdagang tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng La Union sa mga pamilyang nasiraan ng tahanan dahil sa mga bagyong nanalasa noong nakaraang taon bilang bahagi ng patuloy na recovery interventions sa lalawigan.

Ipinamahagi ang mga pangunahing materyales sa pabahay at iba pang uri ng tulong sa mga benepisyaryong mula sa iba’t ibang bayan, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Kabilang sa mga ipinamahagi ang colored roofing, coco lumber, plywood, at mga pako na nagmula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) upang magamit sa pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga nasirang bahay.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layon ng tulong na matulungan ang mga pamilyang naapektuhan na makabangon at maibalik ang maayos na kondisyon ng kanilang mga tahanan matapos ang pinsalang dulot ng mga kalamidad.

Facebook Comments