Karagdagang Warships, pinapopondohan sa Phil. Navy

Hinimok ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel ang Kongreso na pondohan ang karagdagang Warships ng Philippine Navy para mabantayan ang exclusive economic zone sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang panawagan ay sa gitna nang mainit na isyu sa West Philippine Sea kung saan aminado ang kongresista na kapos ang Pilipinas sa mga barkong pandigma.

Naniniwala ang mambabatas na paraan ang pagdadagdag ng warships para maramdaman ang presensya ng bansa sa WPS upang matinag ang nagbabantang mga dayuhan kabilang na ang mga nangunguha ng yamang-dagat.


Inirekomenda nito na dapat makapantay man lang ang Pilipinas sa Indonesia na may tatlong fleets ng malalaki at mabibilis na barko kabilang ang submarines.

Dahil dito, pinatitiyak ng mambabatas sa susunod na Kongreso na mapopondohan ang pagbili ng mga bagong barkong pandigma ng Philippine Navy.

Facebook Comments