Matagumpay na inilunsad ang bagong deep well bilang karagdagang water source sa bayan ng Lingayen na matatagpuan sa Brgy. Libsong East.
Ayon sa pamunuan ng Lingayen Water District at Primewater Lingayen, nakakapaglabas ng 10 liters ng malinis na tubig kada segundo ang deep well at makakatulong makapagbigay ng mabilis na suplay ng tubig sa walong barangay.
Kabilang sa mga barangay na makikinabang sa proyekto ay Brgy. Tonton, Libsong East and West, Maniboc, Poblacion, Pangapisan Sur and North at Dorongan.
Kaugnay nito, tiniyak din ng tanggapan ang mga hakbang na makapagbibigay ng mas magandang water service sa bayan upang maiwasan ang aberya sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments