Friday, January 16, 2026

Karagdagdagang 30,000 family food packs, naipadala na ng DSWD sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Ramil

Naipadala na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang karagdagang Family Food Packs (FFPs) sa DSWD Western Visayas upang ipamahagi sa mga lugar na naapektuhan ng Bagyong Ramil.

Ayon sa DSWD, aabot sa 30,000 na FFPs ang kanilang naihatid mula sa kanilang Visayas Disaster Resource Center.

Dahil dito, puspusan pa ang paghahatid ng suporta at tulong sa mga residenteng apektado ng bagyo.

Sa huling tala ng DSWD, umabot na sa 34,996 na FFPs ang naipamahagi ng ahensya kung saan mahigit 24,000 sa mga ito ay ibinigay sa Capiz na isa sa mga lugar na lubos na tinamaan ng Bagyong Ramil.

Facebook Comments