Mas pinaiigting pa sa Dagupan City ang kampanya sa pagsusulong ng kapakanan at karapatan ng mga bata at kababaihan sa lungsod.
Alinsunod dito, tinalakay ng mga kawani ng lokal na pamahalaan, kasama ang hanay ng kapulisan at iba pang mga sangay ng gobyerno ang mga hakbang at programang magtataguyod sa proteksyon ng mga ito.
Sa datos ng 2022 Philippine National Demographic and Health Survey, 18% ng mga kababaihan edad 15 hanggang 49 ay napag-alamang nakararanas ng pisikal, sekswal at emosyonal na pang-aabuso mula sa kinakasama.
Kaugnay nito, sa pagsasaalang-alang ng mga umiiral na batas, inilatag ang iba’t-ibang mga programa sa pagpapalakas ng pagtaguyod sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan.
Tiniyak ng LGU Dagupan ang pagkakaroon ng isang ligtas at maayos na komunidad para sa lahat ng babae at mga bata sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments