Karahasan ng NPA, isantabi muna para sa peace talks – Makabayan

Manila, Philippines – Bagamat aminado ang ilang miyembro ng Makabayan sa Kamara na hindi kontrolado ng National Democratic Front o NDF ang New People’s Army, nakiusap si Gabriela Rep. Emmi de Jesus na isantabi muna kung anuman ang problema sa NPA at ipagpatuloy pa rin ang peace negotiations.

Ayon kay de Jesus, hindi matatapos ang problema ng insurgency sa bansa kung ititigil ang usapang kapayapaan dahil sa kagagawan ng NPA.

Sinabi ni de Jesus na nasaktan at nagulat siya sa naging anunsyo ng palasyo na walang peace talks hanggat hindi natitigil ang mga pang-aabuso at karahasang ng NPA.


Giit ni de Jesus, maaaring ilatag ng NDF sa negotiating table ang problema sa NPA para hanapan ng solusyon.

Nanghihinayang aniya siya sa layo na ng narating ng usapan partikular sa socioeconomic aspect lalo’t umabot na sa 5th round of talks ang peace negotiation.

Facebook Comments