Karakter ni Judy Ann Santos sa FPJ’s Ang Probinsyano, viral

Pinag-usapan ng mga netizen ang karakter ni Judy Ann Santos sa 3-year long run action film na FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin sa primetime bida.

Unang lumabas ang Queen of Pinoy Soap Opera sa FPJ’s Ang Probinsyano na ginampanan ang karakter na Jane nitong Miyekules, Hulyo 31.

Si Jane ay mayroong Multiple Identity Disorder kung saan nag-iiba ng personalidad at identipikasyon na kumokontrol sa kaniyang sarili.


Gumanap si Jane ng personalidad na isip-bata, matatakutin na mahinhin, at marahas na at astigin na may mala-boses lalaki ng personalidad.

Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen ang karakter ni Jane.

Ayon sa isang netizen, dapat binigyan ng mas magandang role si Judy Ann sa show dahil A-list actress ito.

Natuwa rin ang fans ni Judy Ann sa pagbabalik nito sa primetime bida dahil ang huli nitong proyekto ay limang taon na ang nakakaraan na seryeng Huwag Ka Lang Mawawala (2013).

Ang pag-cameo appearance ni Judy Ann Santos sa FPJ’s Ang Probinsyano ay hudyat ng kaniyang pagbabalik primetime na pinamagatang Starla. Ngunit hindi pa inaanunsiyo ng ABS-CBN kung kailan ipapalabas ang nasabing serye.

Facebook Comments