KARAMBOLA | 47, patay sa salpukan ng 2 bus sa Zimbabwe

Zimbabwe – 47 ang patay sa banggaan ng dalawang bus sa Zimbabwe.

Ayon sa mga otoridad – nangyari ang aksidente malapit sa Rusape tollgate sa probinsya ng Manicaland.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang dahilan ng trahedya habang inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nasawi.


Sinasabing madalas na nangyayari ang mga aksidente sa Zimbabwe dahil sa napabayaang kalsada doon.

Hunyo ng nakaraang taon, mahigit apatnapu katao rin ang nasawi nang bumangga ang isang bus sa highway patungong Zambia.

Facebook Comments