KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN, 7 SUGATAN

CAUAYAN CITY – Habang kasagsagan ng Bagyong Gener, kaliwa’t-kanan din ang naitalang vehicular accident sa rehiyon dos.

Kabilang na dito ang naiulat na pagsalpok ng isang van sa nakaparadang trak sa kahabaan ng Calitlitan, Aritao.

Ayon sa Aritao PNP, nag-overtake ang van sa kanang bahagi ng kalsada ngunit hindi nito inakalang may nakaparada palang trak sanhi ng pagsalpok nito.


Matapos nito, bumangga pa ang isang pick-up na nasa likuran ng van.

Kabilang sa mga nasugatan ay limang babae at dalawang lalaki, pinakabata ang apat na taong gulang na babae.

Napag-alaman na ang mga biktima ay mga residente ng Rizal at Isabela.

Samantala, agad namang isinugod ang mga ito sa ospital matapos ang insidente at kasalukuyan nang nagpapagaling.

Facebook Comments