Karambola ng 7 Sasakyan sa City of Ilagan, Isabela, 4 Sugatan!

191

*Ilagan City, Isabela- *Isinugod sa Ospital ang apat na katao matapos mapabilang sa karambola ng pitong sasakyan kahapon sa National Highway ng brgy Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Michael Gino Hallig, 33 anyos, binata, driver ng Trailer Truck at residente ng brgy. Bannawag Sur, Diffun, Quirino.


Habang ang mga biktima naman ay kinilalang sina Brando Passion ng Cauayan City, Isabela lulan ang minamanehong Toyota Land Cruiser, Alexander Cristobal ng Brgy Calamagui 2nd Ilagan City, Isabela lulan ang minamanehong Honda TMX 155, Romel Vinuya ng brgy Baligatan, Ilagan City, Isabela, tsuper ng XLT, Alexander Derraco Jr. ng brgy Calamagui 2nd Ilagan City, Isabela, tsuper ng Honda TMX 125, Charlie Casue ng Naguilian Norte, Ilagan City, Isabela lulan ang minamanehong wave at si Joey Cacal ng brgy Minabang, Ilagan City, Isabela lulan naman ang minamanehong tricycle.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Ilagan City, habang binabaybay ni Michael Gino Hallig ang naturang lansangan lulan ang minamanehong Trailer Truck ay nawalan umano ito ng preno hanggang sa inararo ang mga kasunod na anim na sasakyan.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Ilagan City si Michael Gino Hallig at nakatakdang isailalim sa Inquest Proceedings nitong araw ng Lunes.

Siya ay mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Multiple Physical Injury and Multiple Damage to Property.

Facebook Comments