Karambulahan ng Tatlong Sasakyan, Nauwi sa Nakakarimarim na Pangyayari

Aparri, Cagayan- Parang eksena mula sa isang triller at horror movie ang pagsasalarawan ng ilang nakasaksi sa aksidenteng nangyari sa kahabaan ng Maharlika Hi-way Barangay Binalan, Aparri Cagayan.

Sa nakuhang police report ng RMN Cauayan News Team katuwang ang RMN Affiliate Radyo DZCV reporter Evangeline Malana, ang nasangkot sa aksidente ay isang Motorstar, Yamaha MIO na mga motorsiklo at Isuzu passenger van.

Sa imbestigasyon ng PNP, ang naturang dalawang motorsiklo habang pagawi sa direksiyong Allacapan, Cagayan ay nagkakarerahan sa kahabaan ng open hi-way at noong inovertakan ng Motorstar ang kinakarerang Yamaha Mio ay bumangga ito sa kasalubong na van na patungo naman sa direksiyong Ballesteros, Cagayan. Pagkatapos ay nirampahan ito ng kakarerang MIO.


Patay sa naturang aksidente ang magkaangkas sa Motorstar motorcycle na sina Emerson Berbano at Rowel Cardenas na kapwa tubong Caggaman, Aparri, Cagayan. Samantalang masuwerteng nasugatan lamang ang magkaangkas sa MIO Motorcycle na sina Rodelito Mabborang na Dassun, Solana Cagayan at Jinky-Dale Asuncion ng Paddaoan, Conner, Apayao.

Ang driver ng pampasaherong van na kilalang si Medarno Pelegro ay hindi nagtamo ng anumang pinsala sa katawan.

Facebook Comments