Karamihan sa 764 na COVID active cases sa Pasay, hindi bakunado

7 out of 10 sa 764 na active cases sa Pasay City ay hindi bakunado.

Ito ang iniulat ng Pasay City Information Office.

Habang 76% rin sa moderate to severe at admitted patients ay hindi nabakunahan.


Kaya naman panawagan ng pamahalaang lokal ng Pasay sa kanilang mga residente na magpabakuna kontra COVID-19 para maprotektahan ang sarili, pamilya at komunidad.

Mag-pre-register anila sa dalawang paraan, ito ay ang pagpapalista sa barangay o ‘di kaya ay gamitin ang Online EMI Portal na Pasayemi.ph.

Para sa EMI Portal, gumawa muna ng account pagkatapos ay mag-pre-register na para sa bakuna.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 366,021 mga Pasayeno ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Facebook Comments