Karamihan sa mga illegal alien na hindi pinapasok sa bansa ngayong 2023, naharang sa NAIA – BI

Karamihan daw sa mga hinarang ng Bureau of Immigration (BI) na illegal alien na hindi na pinapasok sa Pilipinas ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco mula Enero hanggang Oktubre ay nasa kabuuang 2,778 ang bilang ng mga undesirable aliens at improperly documented foreign nationals ang naharang ng mga Immigration officers.

Sa kabuuang bilang, nasa 696 ang Chinese, 414 ang Vietnamese at 214 ang Indonesian.


Sa data ng Immigration nasa 204 Americans din ang hindi pinapasok sa bansa at 138 na mga Indian.

Ipinagmalaki naman ni Tansingco na ang pagpapalakas nila sa port monitoring ang dahilan ng pagkakahuli ng mga banyaga.

Facebook Comments