VILLASIS, PANGASINAN – Pumalo na sa halos 50 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Villasis base sa datos ng Pangasinan Provincial Health Office.
Sa mga nasabing kaso karamihan dito ay nahawa sa pamilya, kamag-anak at ka-trabaho na asymptomatic sa sakit.
Dahil dito, nagpapaalala ang lokal na pamahalaan na siguraduhing nakasuot ng face mask kung makikipag-usap.
Pinapayuhan din ang mga residente dito na iwasan ang pagpunta sa ibang bahay sa mga susunod na linggo upang maiwasang mahawaan ng sakit.
Binigyang diin ng lokal na pamahalaan na iisa lamang ang buhay at may panahon para sa chismis at pakikipag kita sa pamilya.
Samantala, umabot na sa 6, 783 ang bilang ng mga nabakunahang indibidwal kontra COVID-19 sa Villasis.
Facebook Comments