Lumabas sa isang pag-aaral na karamihan sa mga empleyadong Pilipino ay mas masaya sa pagkakaroon ng hybrid work options ngunit 30% ng mga kompanya lamang ang handa para dito.
Ayon sa Cisco, isang global technology firm, 59.6% ng mga local employees sa bansa ay gusto ng hybrid work arrangement, na suportado naman ng nasa 96.6% na employer habang 59.6% naman ang nagsasabi na labis nila itong sinusuportahan.
Naniniwala rin ang 89.2% na empleyado na mas maganda ang hybrid working para sa kanilang pangkalahatang kagalingan sa trabaho at 92.2% sa mga ito ang mas masaya sa naturang work arrangement.
Nabatid na ang pangunahing kailangan para mapataas ang overall well-being ng isang empleyado ay ang flexible na work schedule at pagbawas ng oras ng biyahe sa pamamagitan ng remote work options.