Marami nang pribadong ospital sa bansa ang “zero cases” na sa COVID-19.
Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPI) President Dr. Rene de Grano na dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19, karamihan sa kanilang healthcare workers ay inilipat na sa non-COVID areas.
Sa kabila nito, tiniyak ni De Grano na naghahanda pa rin ang mga pribadong ospital kung magkakaroon man ng muling pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Pero aminado si De Grano na nakakabahala ang datos ng Dept. of health na posibleng pumalo sa 332,000 ang active cases ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Mayo.
Facebook Comments