Ngayong ipinagdiriwang ang World Teachers’ Day ay tila hindi pa rin nasusuklian nang tama ang mga ginagawang sakripisyo ng ating mga guro.
Ito ang inihayag ni Benjo Basas, pangulo ng Teachers’ Dignity Coalition lalo na’t kulang aniya ang mga natatanggap na karampatang benepisyo ng mga guro.
Ayon kay Basas, otomatiko kasing sinasalo ng mga guro ang pagkukulang ng gobyerno at umaabot pa sa puntong humuhugot na sila mula sa sariling bulsa.
Iginiit naman ni Basas na gusto lamang ng mga guro natin ng maayos na pagtrato at hindi isantabi ang kanilang mga kapakanan at karapatan.
Samantala, sa isang mensahe kahapon, nagpasalamat si Department of Education Secretary Leonor Briones sa mga gurong patuloy na humahanap ng mga paraan para maging mas maayos ang pagtuturo sa mga estudyante ngayong COVID-19 pandemic.