Nagsagawa ng pagsusuri ang DENR, Agriculture at Tourism Office sa Bolinao para sa implementasyon ng management plan sa natural heritage site na Tara Cave.
Tinukoy ng mga tanggapan ang entry points at iba pang daanan papasok ng kweba upang malagyan ng karampatang karatula na magtuturo ng direksyon, babala at guidelines sa mga turista.
Layunin na magabayan ng mga karatula ang mga bibisita upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang natural na ganda ng Tara Cave.
Magsisilbing tagapamahala ang barangay council bilang kaagapay ng mga tanggapan sa pagbabantay sa kalikasan kasabay ng pag-angat ng turismo sa lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









