Karanasan ng Pinoy seafarer matapos tamaan ng missle ang sinasakyang barko sa Ukraine, esklusibong ikinuwento sa RMN Manila

Esklusibong ikinukwento sa panayam ng Radio Mindanao Network (RMN) Manila ng isa sa mga Pinoy seafarer ang karanasan nito matapos maipit sa gyera sa Ukraine at Russia.

Ang seaman na si Adrian Batayen ay isa sa 21-Pinoy crew members na sakay ng cargo ship na “Namura Queen” na tinamaan ng missle ng Russia sa Black Sea.

Kwento ni Batayen sa RMN Manila, magkakarga sana sila ng grains sa Ukraine ng tamaan ng missle ng Russia ang likurang bahagi ng kanilang barko na nagresulta ng sunog.


Bamaga’t may isang nasugatan sa insidente, mabuti na lang aniya at walang tao sa likurang bahagi ng barko ng tumama ang missle at agad din silang na-rescue ng mga nagpapatrolyang Ukrainian Navy.

Para kay Batayen, itinuturing na nilang pangalawang buhay ang nangyari lalo na’t dumanas sila ng trauma at pagkabigla.

Mula sa Ukraine ay dinala ang 21-Pinoy seafarer sa Turkey at nitong nakaraang araw ay nakauwi na siya rito sa Pilipinas.

Kasabay nito, nanawagan ito sa gobyerno ng tulong lalo na para sa mga kasamahan na under contract pa.

Facebook Comments