City of Ilagan, Isabela – Dumarami na ang bilang ng mga nagkakasakit ngayong unang quarter ng taon sa City of Ilagan, Isabela.
Pangunahing mga sakit na nasa taalaan ng City Health Office ay ang sakit na hypertension o highblood, lagnat at ubo.
Sa panayam ng RMN News Team kay Administrative Assistant 2 Justin Joy Baltazar ng City Health Office, na ang dahilan umano ng pagtaas ng mga karaniwang sakit sa Ilagan ay sanhi ng pabagu-bagong panahon, maruming paligid at ang hindi tamang pagkain.
Umaabot na sa mahigit kumulang siyam na raang bilang ng kaso ng nagkakaubo at nagkakasipon na karamihan ay mga bata.
Nasa mahigit kumulang na dalawang daang matatanda naman ang inaatake ng hypertension o highblood.
Dahil dito ipinayo ni Baltazar na panatilihin ang kalinisan sa katawan, kapaligiran at kumain ng mga masustansyang pagkain upang maiwasan ang mga nabanggit na uri ng karamdaman.