Karaoke celebration ngayong holiday season, ibinabala ng DOH

Ilang araw bago ang Pasko, nagpaalala ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko na iwasan ang mga aktibidad na may mataas na risks ng COVID-19 transmission.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kasama na rito ang pagkanta sa karaoke na madalas na bahagi ng mga pagdiriwang ng mga Pilipino tuwing Kapaskuhan at Bagong Taon.

Giit ni Duque, base sa huling pag-aaral ng Aerosol Science and Technology Journal, tumataas ang pagkalat ng viral particles ng 448% sa pagkanta ng malakas kumpara sa normal na pag-uusap.


Kaya naman binigyang diin ni Duque na maliit na sakripisyo lamang para sa ating kaligtasan ang pag-iwas sa karaoke parties at iba pang malalaking selebrasyon ngayong holiday season.

Facebook Comments