Karaoke session ni Sec. Panelo sa isang resto, pagbibigyan ng DILG

“Isolated incident lamang”

Ito ang pagturing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa nakunahang karaoke session ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa isang restaurant.

Nabatid na sa kumalat na video ay makikita ang pagbirit ni Panelo habang nakatanggap ang kanyang face shield at face mask.


Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, wala ng saysay kung iimbestigahan pa si Panelo dahil humingi na ito ng patawad.

Mahalaga aniyang kapulutan ito ng araw lalo na sa mga sumusuway sa health protocols.

Una nang inabswelto ng DILG sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Senator Manny Pacquiao matapos mabalewala ang physical distancing protocols sa mga dinaluhan nilang events.

Facebook Comments