Karapatan at kapakanan ng indigenous peoples, handang protektahan ng DSWD

Patuloy na isusulong at poprotektahan ng Department of Social Welfare and Development ang karapatan at interes ng indigenous communities sa bansa.

Ito ang sinabi ng ahensya kasabay ng paggunita sa Indigenous People’s Month.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, ang ahensya ay patuloy na magpapatupad ng mga programa na mapakikinabangan ng milyu-milyong indigenous peoples (IPs) sa bansa.


“Pinapahalagahan ng DSWD ang kasarinlan na ating mga katutubo na kababayan. Ang ahensya po ay pinipilit paigtingin at palakasin ang kanilang kakayahan upang mabigyan sila ng intevention na hindi naman salungat sa kanilang kultura at pagkakakilanlan,” ani Paje.

Isa sa mga programa ng DSWD para sa mga IPs ay ang Comprehensive Program for Street Children, Street Families, and Indigenous People na layong palakasin ang ilang stakeholders lalo na sa mga komunidad na direktang tumutugon sa pangangailangan ng mga nasabing sektor.

Nagbibigay rin ang ahensya ng cash aid sa mga IPs, lalo na sa geographically isolated at disadvantaged areas (GIDAs) sa ilalim ng Modified Conditional Cash Transfer Program.

Ang DSWD at ang National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) ay magkatuwang para matiyak na naihahatid ang mahusay at epektibong serbisyo para sa mga IPs.

Ang Pilipinas ay mayroong 14 hanggang 17 IPs na kabilang sa 110 ethno-linguistic groups.

Facebook Comments