KARAPATAN AT KAPAKANAN NG MGA SOLO PARENTS SA DAGUPAN CITY, BINIBIGYANG PANSIN

Mas binibigyang pansin ngayon ang karapatan at kapakanan ng mga solo parents sa Dagupan City ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga itinataguyod na programang nakalaan sa kanila.
Isa sa mga isinusulong ay ang Expanded Solo Parents Welfare Act of 2000 kung saan, makakatanggap ang mga ito ng isang libong piso kada buwan mula sa lokal na gobyerno, pagiging miyembro ng National Health Insurance Program at PhilHealth, mayroong 10% discount sa mga bilihing pangangailangan ng binubuhay ng mga anak.
Kabilang din ang pagbibigay ng scholarship sa mga anak ng mga ito, at maging benepisyaryo ng pabahay mula sa National Housing Authority.

Nakatanggap din ang kanilang grupo ng food packs sa pagbisita ni Sen. Hontiveros sa lungsod kailan lamang at nakavail ng ilang mga medical services sa programang Lingap at Liwanag Field Hospital Services.
Samantala, sa kasalukuyan ay mayroon ding presidente ng mga solo parents sa lahat ng tatlumpu’t-isang barangay sa lungsod at para sa mga nais maging miyembro nito at mapabilang sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng mga programa ay makipag-ugnayan sa mga Solo Parents President ng inyong mga barangay. |ifmnews
Facebook Comments