Mas pinaiigting sa lungsod ng Dagupan ang pagtataguyod sa karapatan at proteksyon ng mga bata at kababaihan.
Alinsunod dito, ipinatawag para sumailalim sa oryentasyon ang mga miyembro ng Barangay Violence Against Women and Children Desk Officers upang maibahagi ang mga kaalamang magpapalakas pa sa pagkamit ng naturang adhikain.
Tinalakay ang mga programa at interbensyon partikular ang pagtutok sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan at mga kababaihan.
Samantala, nauna nang inihayag ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang target na tuluyang mapuksa ang abuse and violence lalong lalo na sa mga batang Dagupeños. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









