KARAPATAN | Magna Carta for tricycle drivers and operators, isinusulong

Manila, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang proteksiyon sa mga karapatan ng tricycle drivers at operators.

Inaprubahan ng house Committee on Transportation Chairman, Catanduanes Representative Cesar Sarmiento ang isang Technical Working Group (TWG) na mag-aayos sa house bill 2799 o ‘magna carta for tricycle drivers and operators’

Sa ilalim ng panukala, titikayin nito ang patuloy na pagsulong ng sektor ng mga tricycle at maprotektahan ang kanilang kabuhayan laban sa abusadong lokal at pambansang awtoridad.


Itinatakda ng batas ang registration fee na hindi lalagpas sa P1,000 na magiging valid sa loob ng tatlong taon.

Pagkakalooban din ng PhilHealth coverage ang mga driver.

Nabatid na kabilang sa mga inirereklamo ng mga tricycle driver ang pangongolekta ng mga tiwaling awtoridad ng ilegal na bayarin, ilegal na pagbebenta ng franchise, at pag-iisyu ng maramihang permit para sa iisang tricycle number.

Facebook Comments