Karapatan ng isang kasal na babae na panatilihin ang paggamit sa maiden surname, aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Lusot na rin sa ikalawang pagbasa ang panukala para sa karapatan ng mga “married women” na panatilihin ang kanilang maiden surname o apelyido sa pagkadalaga.

Sa viva voce voting ay inaprubahan ang House Bill 10459 na layong amyendahan ang “New Civil Code of the Philippines”.

Layunin ng panukala na mabigyan ng pantay na karapatan ang mga kababaihan tulad sa mga lalaki na gamitin ang nais na dalhing apelyido kahit kasal na.


Dito ay binibigyan ng “option” ang isang babaeng kasal na i-retain o panatilihin ang apelyido noong dalaga pa kung ito ang nanaisin.

Nakapaloob sa panukala na maaaring gamitin ng isang babae ang kanyang maiden first name at maiden surname, maiden first name, maiden surname at husband’s surname o kaya naman ay maiden first name at apelyido ng asawang lalaki.

Facebook Comments