Karapatan ng isang Manggagawa, Ibibida sa Compensation Program Seminar ng ECC

*Cauayan City, Isabela*- Magsasagawa ng libreng seminar sa ilalim ng employees’ compensation program ang tanggapan ng Employees Compensation Commission (ECC) sa Lungssod ng Cauayan bukas, Marso 4, 2020 sa Mango Suite Hotel.

Ayon kay Deputy Executive Director Atty. Jonathan Villasotto, ito ay upang mabigyan ng malawak na kaalaman ang mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor upang malaman ang kanilang mga karapatan bilang isang empleyado.

Nakapalaoob aniya sa nasabing programa ang karapatan ng isang manggagawa sakaling makaranas ng ‘di inaasahang pagkakataon gaya ng pagkakaroon ng sakit, injury o death pero ito ay konektado pa rin sa kanilang trabaho.


Paliwanag pa ni Director Villasotto na kapag ang isang empleyado ay may matatanggap na benepisyo mula sa iba pang kontribusyon gaya ng Social Security System (SSS) sakaling makaranas ng mga nabanggit na sitwasyon ay maaari pa rin namang makakuha ng iba pang benepisyo na tinatawag na ‘double recovery benefits’

Nagpaalala naman ito sa mga employers na tiyakin na mabibigyan ng angkop na benepisyo ang isnag manggagawa.

Facebook Comments