Manila, Philippines – Muling ipinapawagan ng grupong ladlad, isang Lesbians, Gays, Bisexual, Transgender (LGBT) rights group na maisulong ang anti-discrimination bill.
Nabatid na 17 taon na ang panukala pero hindi pa rin ito pumapasa
Sa interview ng RMN sa board of trustee ng grupong ladlad na si Santy Layno – wala pa ring batas na nagpoprotekta sa karapatan ng LGBT.
Hindi pa rin maituturing tanggap ang LGBT sa bansa dahil ang nanatili pa rin ang Pilipinas bilang isang relihiyosong bansa.
Nabatid na si Bataan 1st District Representative Geraldine Roman na siyang pinaka-unang transgender na mambabatas ang nangunguna sa pagsusulong ng anti-discrimination bill.
tag: Luzon, Manila, DZXL 558, LGBT, Geraldine Roman, Santy Layno, Anti-Discrimination Bill
Facebook Comments