Karapatan ng mga botante, naisantabi matapos ang pagpapaliban ng BARMM elections

Labis na ikinadismaya ng mga petitioner ang desisyon ng Korte Suprema na ipagpaliban ang kauna-unahang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Giit kasi nila, wala pang isang buwan matapos ihain ang petisyon, mabilis na nagpasya ang Korte at idineklarang walang bisa ang BAA 77.

Ikinagulat ng mga petitioner nang isama rin sa ibinasura ang BAA 58, na hindi naman bahagi ng kaso.

Dahil dito, ang halalang nakatakda sana sa Oktubre 13, 2025 ay itinulak sa hindi lalampas ng Marso 31, 2026 kung saanayon sa Commission on Elections (COMELEC), aabot sa ₱774 milyon ang karagdagang gagastusin ng gobyerno.

Sa naging pahayag ni Alim Saad Amate, president ng United Imams of the Philippines Foundation, Inc. (UIPFI), ang tunay na biktima ay hindi ang mga kandidato kundi ang mga botante, na muling nawalan ng pagkakataon na makapili ng kanilang lehitimong pinuno.

Panawagan nila sa Bangsamoro Transition Authority (BTA), ipasa na sana ang bagong batas bago ang Oktubre 30 at tiyaking patas, malinaw, at kumukonsulta sa mismong mamamayan.

Facebook Comments