Karapatan ng mga boxers sa bansa dapat palakasin – GAB

Naniniwala ang Games and Amusement Board (GAB) na palalakasin ang karapatan ng mga professional boxers alinsunod na rin sa plano ni Senador Manny Pacquiao na planong magtayo ng University of Sports upang maproteksyunan at mapangalagaan ang karapatan ng mga professional boxers.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni GAB Chairman Bam Mitra na binalangkas na ng board na magkaroon ng free medical, allowance at iba pa ang mga professional boxers upang lalong maengganyo ang mga kabataan na pumasok sa larangan ng pagboboksing.

Nilinaw naman ni 1 Pacman Partylist Erick Pineda na wala pa silang natatanggap na panukala mula sa Senado hinggil sa naturang hakbang ni Senador Pacquiao.


Paliwanag ni Pineda Frustration aniya ni Pacquiao na matulungan ang maraming mga professional boxers na napapabayaan at hindi naalagaan pagkatapos magretiro sa pagboboksing.

Sinang ayunan naman ni Chairman Games and Amusement Committee Gus Tambunting na suportado ang kanyang komite na dapat masusing pag-aaralan ng mabuti ang kontrata ng mga boxers na kung minsan ay hindi binibigay sa kanila ay pera pagdating nila sa ibang bansa kapag sila ay lumalaban na bilang isang professional boxers.

Facebook Comments