Karapatan ng mga IDPs, mas poprotektahan ng ARMM government!

Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na titiyakin ng regional government ang interests at mga karapatan ng Internally Displaced Persons (IDPs) na maprotektahan kasunod ng pagtatapos ng Marawi City siege.
“Kami po sa regional government ay umaasa na mas lalo pang maprotektahan ang karapatan ng mga IDPs kapag napasa na po sa regional legislative assembly ang Rights of Internally Displaced Persons Act,” Hataman said.
Muling inihayag ni Gov. Hataman ang naturang commitment sa pagtitipon ng provincial, municipal, barangay leaders at civil society organizations upang talakayin ang issues and concerns ng IDPs sa Marawi City.
Ang pinaka-concern umano ng mga ito ay ang agarang pag-lift ng martial law, relief assistance, at ang pagpasa sa bill on IDPs.
Ang naturang forum ay isinagawa sa MSU Marawi City na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng ARMM.(photo credit:bpi-armm)

Facebook Comments