Karapatan ng mga manggagawa sa gitna ng pandemya, patuloy na protektahan ayon sa isang labor group

Nanawagan sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang Kilosang Mayo Uno (KMU) na imbestigahan ang nakitang paglabag sa karapatan ng mga manggagawa sa gitna ng pandemyang nararanasan ng bansa dahil sa COVID-19.

Kasunod ito ng isinagawang protesta ng mga 689 empleyado ng Chinese tech firm na Vivo at pagsasailalim ng lockdown ng 26 manggagawa sa isang construction project sa Barangay E. Rodriguez na may “no work, no pay” policy pang ipinatutupad.

Sa inilabas na pahayag ng KMU, nangangailangan ng agarang aksyon ang nangyari upang maprotektahan ang mga manggagawa sa bansa.


Isa kasi aniya ang sektor ng manggagagawa sa pinaka-apektado ng pandemya kaya marapat na pagtuunan ito ng pansin.

Facebook Comments