KARAPATAN NG MGA MANGINGISDA, PRAYORIDAD SA COMMUNITY-BASED DIALOGUE SA AGOO, LA UNION

Pinangunahan ng DENR Region I ang isang Community-Based Dialogue sa Barangay San Manuel Norte, Agoo, La Union, na nakatuon sa karapatan ng mga mangingisda at iba pang miyembro ng komunidad.

Tinalakay sa aktibidad ang mga pangunahing karapatan sa ilalim ng umiiral na batas at patakaran, kabilang ang epekto ng maling pagtatapon ng basura sa marine life at coastal ecosystems, at ang kahalagahan ng segregation at recycling bilang bahagi ng kabuhayan.

Ipinaalala rin ang Anti-Burning Law at mga parusa sa paglabag, habang ibinahagi ng barangay ang mga kasalukuyang hakbang sa pangangalaga ng kalikasan tulad ng coastal cleanups, tree-planting, at Material Recovery Facilities.

Nagbigay ang dialogue ng pagkakataon sa mga mangingisda at miyembro ng komunidad na ipahayag ang kanilang mga karanasan at mungkahi, at pinagtibay ang papel nila bilang tagapangalaga ng dagat at marine resources.

Facebook Comments