Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na mananatiling responsableng miyembro ng international community ang Pilipinas at patuloy na ipaglalaban ang ating karapatan.
Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), muling iginiit ni Pangulong Duterte ang kanyang independent foreign policy.
Kanya ring tiniyak na hindi na kikilos ang bansa sa “anino ng mga makapangyarihan.”
“To our friends in ASEAN and around the world: Thank you for supporting my government, my country and people when it truly mattered. I assure you that the Philippines will remain a responsible member of the international community and we will work with you to achieve our shared objectives,” sabi ng pangulo.
“But no mistake: Gone are the days when the Philippines decides and acts in the shadows of great powers. We will assert what is rightfully ours and fight for what is rightfully due to the Filipino people,” dagdag pa ng pangulo.
Muling iginiit ni Pangulong Duterte na iginiit niya ang 2016 Arbitral Ruling sa United Nations General Assembly at sa ASEAN Summit.
“The Arbitral Award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” anang pangulo.
Iginiit din ng pangulo na hindi siya madedeklara ng giyera sa China dahil magiging ‘masaker’ lang ito para sa mga Pilipinong sundalo.
Aminado ang pangulo na marami pa ang kailangang gawin pagdatng sa pagpapalakas ng maritime awareness at defense capabilities.
Binanggit din ng pangulo ang pagbabalik sa Canada ng mga ipinadala nilang basura at iginiit na hindi tambakan ng basura ang Pilipinas.