Mayroong tatlong bagay ang nais igiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkikita nila ni Chinese President Xi Jinping ngayong buwan.
Una na rito ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea kabilang ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Tatalakayin din ng Pangulo kay Xi ang pagpabor ng arbitral tribunal sa Pilipinas.
Nais ding malaman ng Pangulo kay Xi kung bakit tila nagkakaroon ng delay sa pagbuo ng code of conduct sa mga bansang may territorial claims sa rehiyon.
Wala ring nakikitang mali ang Pangulo sa joint oil and gas exploration ng Pilipinas at China.
Una nang nagkaroon ng Memorandum of Understanding (MOU) ang dalawang bansa ukol sa oil at gas exploration sa pagbisita ni Xi sa Pilipinas noong nakaraang taon.
Facebook Comments