Karapatan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Speakership, maaaring igiit ayon kay Deputy Speaker Paolo Duterte

133

Nagpahayag na ng kaniyang posisyon sa Speakership issue si Presidential Son at Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte.

Ayon sa batang Duterte, karapatan ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na igiit ang kaniyang posisyon sa term-sharing agreement sa pagitan nila ni Speaker Alan Peter Cayetano.


“It can’t be denied that such term-sharing agreement was made before. Because of this, Congressman Velasco has the right to assert his claim to the Speakership”. – Davao City Rep. Paolo Duterte

Sinabi ng Davao City solon na maaari naman talagang palitan ni Velasco si Speaker kahit pa sinasabi ni Cayetano na suportado siya ng mga kongresista.

“I am saddened that it has come to this—a House divided. And if we remain a House divided, we will fail in our mandate to serve the people as their representatives.” – Davao City Rep. Paolo Duterte

Ikinalungkot naman ng batang Duterte ang pagkakahati-hati ngayon ng Kamara dahil malapit din siya sa dalawang Kongresista.




Nababahala ang Kongresista na kapag nanatili ang gulo sa Speakership ay mabibigo sila na gampanan ang mandato na inatang sa kanila ng taumbayan.

Facebook Comments